Advertisers

Advertisers

Gun ban sa NCR, Central Luzon at Calabarzon ipapatupad sa 2nd SONA ni PBBM

0 95

Advertisers

MAGPAPATUPAD ng 24 hours gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa gaganaping second State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 24.

Ayon kay BGen. Leo Francisco, Director ng PNP Directorate for Operations, pansamantalang sinususpinde ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) mula 12:01 a.m. ng July 24 at hanggang 11:59 p.m ng nasabi rin petsa.

Aniya, ang gun ban ay ipapatupad sa buong National Capital Region (NCR), Central Luzon at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Region.



“Tanging mga sundalo at mga pulis na nakasuot ng uniform partikular na yon mga nakatalaga malapit sa Batansang Pambansa ang exempted sa gun ban,” saad ni Fajardo.

Nasa 23,000 mga pulis ang itatalaga sa buong Metro Manila habang nasa 5,000 mga pulis at mga force multiplier ang itatalaga naman malapit sa Batasang Pambansa.

Wala namang nakakalap na anumang banta ang PNP kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng SONA ng Pangulo. Nananatili parin nakaalerto ang Pambansang Pulisya. (Mark Obleada)