Advertisers

Advertisers

Inang adik na nanakal ng anak, may 3 pang anak

0 132

Advertisers

TATLO pang anak ang naiwan ng isang ina na pumatay ng kanyang 2-anyos na anak at nakakulong sa kasong parricide nitong Miyerkules.

Dahil sa lakas ng tama ng droga, napatay ng bangag na ina ang kanyang lalaking baby sa Barangay Talaba 1, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang ina na si Rhina Maninang, 25 anyos, may live-in partner, nakatira sa Looban ll, Brgy. Talaba l.



Ayon kay alyas “Janna,” pinsan ni Maninang, hindi na kayang kupkupin ng mga kamag-anak sa side ng babae ang natitira pang tatlong kapatid ng biktima.

Kinilala naman ang ama ng biktima na si Sonny Gregorio, 33, pintor at minsan may trabaho sa construction, ngunit dahil lulong din ito sa droga tulad ng misis, dadaan pa ito sa interview at settlements sa DSWD bago malaman kung maaaring iwan sa kanya ang mga anak.

“Ngayon po, ang tatay naman po [ay] hindi nakakulong, siya po ang magbabantay, kaso momonitorin pa rin po ‘yung magulang,” sabi ni Janna.

“Kasi po tulad niyan wala pa po atang binyag ‘yung mga bata, tapos ‘yung birth certificate, ‘yung PSA po na tinatawag [wala rin]. ”

Malnourished o kulang sa pagkain at sustansya ang lahat ng magkakapatid na madalas, minamaltrato pa ng ina lalo na kapag nakadroga.



Sa ngayon, nasa poder nila Janna ang mga bata.

“Nakikipag-ugnayan na po kami sa sa social worker dito po sa Bacoor City para po sa counselling ng bata na nakawitness po ng pangyayari,” sabi ni Maj. Renalyn Lim ng Women and Children Protection Desk sa Bacoor Police.

Ang anim na taon gulang na kapatid ng biktima ang siyang saksi sa pangyayari at nagturo rin sa kanyang ina sa mga pulis.

Ayon kay Lim, ang city social welfare ang makapagsasabi kung sa pamahalaan ba mapupunta ang mga bata.

Handa nang mailibing ang bangkay ng bata sa Barangay Talaba I.