Advertisers
Pangmatagalang solusyon sa mga problema sa sektor ng edukasyon ang gustong marinig ng mga nasa sektor ng edukasyon sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa darating na Lunes.
“Di lang issues na very tangible.. we want to hear him mandating DepEd pursue long term support for teacher.. look and really assess proper remediation,” pahayag ni Justine Raagas, Executive Director ng Philippine Business of Education.
Nanawagan rin ang Philippine Business of Education (PbEd) kay Pangulong Marcos na mas gawing prayoridad ang paglalaan ng mas malaking pondo sa edukasyon kaysa pagpapatayo ng mga kalsada at tulay.
“Urged this admin. and all admin. after must prioritize education. Health and education must be prioritize over bridge and road,” wika ni Chito Salazar, President ng Philippine Business of Education.
Giit ni Salazar, na sa mga estudyanteng hinuhubog ng mga paaralan, nakasalalay ang kinabukasan ng bansa.
Kabilang sa mga isyu na kailangan umanong bigyan ng pansin, ang tumataas na porsyento ng mga batang nababansot na ngayon nasa 28 prosyento na.
Batay umano sa report ng UNICEF at World Bank.. kabilang ang Pilipinas sa 10 bansa na may pinakamataas na bilang ng stunted children.
Pinuna rin ng grupo ang patuloy na malaking kakulangan sa mga classroom na umabot na sa halos 168 libo.
At hanggang ngayon may mga estudyante pa rin na nagshe-share ng libro.
Hindi rin daw dapat kalimutan ang sapat na suporta sa mga guro dahil sa kanila nakasalalay ang edukasyon ng mga kabataan.
Sa kabuuan, aprubado naman sa PbEd ang mga ginawa ng Marcos administration na makapagpatupad ng reporma sa sektor ng edukasyon tulad ng pagbabalik ng face to face (F2F) classes, matatag na agenda at pagsusulong ng review sa performance ng education system sa bansa.
“Ang importante nasa tamang direksiyon tayo ngayon. Ang maganda pa rito mayroon recognition ng mga problema na kailangan natin in the succeeding yrs. para sa pagbibigay ng solusyon,” pagwawakas pa ni Raagas.