73-ANYOS NAGPATULI BINIGYAN NG P20K NG CITY GOVT.!
“Congrats! nairaos mo ang major operation” - netizen
Advertisers
ISANG senior citizen sa Lapu-Lapu City ang nagpatuli at tumanggap ng P20,000.
Sumalang si “Tatay Mado”, 73 anyos, residente ng Barangay Calawisan, sa “libreng tuli project” ng pamahalaang lungsod na ginanap sa Hoops Dome kamakailan.
Ayon kay Mayor Junard Chan, may pitong anak at 62 apo si Tatay Mado.
Dagdag pa ng alkalde, P10,000 lang talaga ang insentibo na ibinibigay sa mga lalaki na may edad 20 pataas na nagpapatuli pero dinoble niya ito dahil senior citizen na si Tatay Mado.
Mahigit 3,500 katao ang nakilahok sa libreng tuli at ang pinakamatanda sa mga ito ay si Tatay Mado.
Ang reaksiyon ng ilang netizen sa pagpapatuli ni Tatay Mado:
“Good Tatay at least natuli gyod Tay I LOVE YOU TAY.”
“Congratulations tatay kai na TULI najud ka!”
“Very brave lolo… Nairaos mo ang major surgery.”