Advertisers

Advertisers

‘Drag queen’ na lumapastangan sa “Ama Namin”, kinasuhan

0 165

Advertisers

TATLONG namumuno sa koalisyon ng Christian church ang magkakahiwalay na nagsampa ng kaso laban sa “drag queen” na inakusahan ng paglapastangan sa kanta sa simbahan na “Ama Namin.”

Ang reklamong paglabag sa RA 10175, Cybercrime Prevention Act of 2012, laban kay Fernando Pagente alias “Pura Luka Vega” ay inihain ng Philippine for Jesus Movement.

Iisa ang reklamo ni PJM President Bishop Alconga, Pastors Ronnie Suela at Mars Rodriguez laban kay Pajente. Anila, kinakatawan nila ang kani-kanilang simbahan.



Anila, hindi nila nagustuhan ang ginawa ni Pagente sa isang bar, kungsaan nagsuot siya ng damit ng Nazareno sabay awit ng ginawang bersyon sa naturang awiting pang-Simbahan.

Sinabi nila na si Hesu Kristo ay hindi lamang Diyos ng mga Katoliko kundi maging ng mga born-again Christians.



Naging viral ang video na ginawa ni Pagente, at kasunod nito ang mga batikos ng mga pulitiko, indibiduwal at ng pamunuan ng Simbahang Katoliko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">