Advertisers

Advertisers

196 LUGAR NASA STATE OF CALAMITY

0 131

Advertisers

ISINAILALIM sa ‘state of calamity’ ang kabuuang 196 lugar dahil sa pinsalang iniwan ng magkasunod na super typhoon Egay, Falcon at habagat.

Base sa latest situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Ilocos region ang pinakamaraming nasalanta na mga probinsiya, siyudad at bayan kung saan nasa 62 lugar ang inilagay sa state of calamity.

Sumunod ang Cordillera Administrative Region na mayroong 44 lugar na nakasailalim sa state of calamity, Central Luzon (36), Cagayan Valley (29), Calabarzon (23), at sa Mimaropa 2.



Nasa 27 katao naman ang napaulat na nasawi sa bagyo kungsaan dalawa rito ang kumpirmado na habang 25 ang kasalukuyang bineberipika pa.

Apektado parin ang nasa 2.9 million residente (mahigit 781,000 pamilya) mula sa mahigit 4,000 barangay sa buong bansa dahil sa epekto ng Egay at habagat.

Sa sektor ng agrikultura, nasa P2 billion na ang naitalang pinsala, habang sa imprastruktura ay nasa P3.5 billion.

Nagpapatuloy naman ang paghahatid ng tulong ng pamahalaan para sa mga apektadong residente kungsaan mahigit P239.2 million halaga ng tulong pinansiyal, family food packs, hygiene kits at sleeping kits ang naipamahagi sa mga apektadong rehiyon sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">