Advertisers
GAGAMITIN na ng Armed Forces of the Philippines ang mga counter terrorism unit nito laban sa ‘private armed group’ ni suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr..
Ito ay makaraang tagurian ng Anti-Terrorism Council ang mambabatas at ang kaniyang armadong grupo bilang mga terorista.
Ayon kay AFP Visayas Command Commander, Lt. General Benedict Arevalo, ito ay bilang suporta ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa kampanya ng Philippine National Police na sugpuin ang lahat ng armadong grupo at loose firearms sa Pilipinas.
Aniya, ang paghahabol sa private armed groups ni Teves at iba pang kabilang sa mga idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council ay saklaw ng Law Enforcement Operation ng Pambansang Pulisya.
Ngunit sa kabila nito ay maaari parin aniyang gamitin ng kanilang hukbo ang kanilang “counter-terrorism model” upang tugisin ang mga ito tulad na lamang ng kanilang pagtugis sa iba pang teroristang komunistang grupo sa bansa.