Advertisers
INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) ang pormal na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan para sa School Year 2023-2024 sa August 29.
Samantala, ang mga pribadong paaralan ay maaring magbukas ng mga klase sa anumang araw simula sa unang Lunes ng Hunyo ngunit hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.
Mayroong humigit-kumulang 28.4 milyong mag-aaral ang naka-enrol sa 44,931 pampublikong paaralan, at 12,162 sa pribado sa nakaraang taon ng akademiko.
Noong Mayo pa binuksan ng DepEd ang pagpaparehistro para sa mga papasok na Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 na mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa para sa School Year 2023-2024.
Ang sektor ng edukasyon ay may nakaaan na P924.7 bilyon o 16.0% ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2024, dahil ang Konstitusyon ay nag-uutos na ang sektor ay bigyan ng pangunahing prayoridad. (JONAH MALLARI)