Advertisers

Advertisers

Higit P1.4-bilyon budget sa biyahe ni PBBM sa 2024 idinepensa ng DBM

0 106

Advertisers

SINABI ni Budget Secretary Amenah Pangandaman nitong Huwebes na ang iminungkahing pagtaas sa badyet para sa mga lokal o dayuhang misyon at pagbisita sa estado sa 2024 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay “makatwiran.”

Sa isang briefing ng Palasyo, sinabi ni Pangandaman na kailangang itaas ang badyet para sa mga paglalakbay sa loob o ibayong dagat sa susunod na taon upang palakasin ang pagsisikap ng administrasyong Marcos sa pagtataguyod ng Pilipinas bilang isang “investment hub”.

“Kami po, hindi lamang ang Presidente (We, not just the President but) even the economic managers, if you will notice, we have been going out of the country to present the Philippines as an investment hub,” sinabi ni Pangandaman.



“So, I think ‘yung expenses ng travel (the travel expenses), as long as it will beneficial and mas may advantage po para sa bansa natin (and advantageous to our country), I think okay lang po ‘yun (it is it is Sige). It’s justified,” dagdag ni Pangandaman.

Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP) na ipinadala sa Kongreso noong Miyerkules, ang Opisina ng Pangulo ay humihiling ng paglalaan ng PHP1,408,894,000 para sa “local/foreign missions at state visits.”

Ang iminungkahing badyet ay mas mataas kaysa sa PHP893.97 milyon sa ilalim ng 2023 NEP na inaprubahan ng Kongreso at kasama sa 2023 General Appropriations Act.

Sinabi ni Pangandaman na si Marcos at ang kanyang economic team ay nagsasagawa ng mga dayuhang paglalakbay upang akitin ang mas maraming mamumuhunan na magtayo o palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas.

Sa ngayon ay bumisita na si Marcos sa 11 bansa mula nang maupo siya sa pagkapangulo noong Hunyo 2022.



Kabilang dito ang Indonesia, Singapore, Thailand, United States, Cambodia, Belgium, China, Switzerland, Japan, United Kingdom at Malaysia.

Ang mga economic managers ni Marcos ay nagsasagawa rin ng mga investor roadshow sa ibang bansa upang makaakit ng mas maraming dayuhang pamumuhunan. (Vanz Fernandez)