Advertisers

Advertisers

Mayor Along pinulong ang kinatawan ng DPWH para solusyunan ang baha sa Quirino Highway

0 73

Advertisers

Tinawag ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at San Miguel Corporation (SMC) noong Lunes, Hulyo 31 para pag-usapan ang mga posibleng solusyon sa mga nangyayaring isyu sa pagbaha sa Quirino Highway.

“Hiningan po natin ang DPWH at SMC ng pansamantala at permanenteng solusyon sa pagbaha sa Quirino Highway upang maibsan ang perwisyong naidudulot nito sa mga motorista at mga residente na naninirahan sa Amparo,” wika ni Mayor Along.

Gayundin, binigyang-diin ng City Mayor na habang nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DPWH ang maintenance ng mga national highway, kinailangan ng pamahalaang lungsod na humakbang dahil sa abala at posibleng panganib na idudulot nito sa mga residente sa mga kalapit na lugar.



“Habang ang Quirino Highway po ay isang national road na nasa ilalim ng pamamahala ng DPWH at ang ginagawang MRT 7 naman po sa lugar ay pinamamahalaan ng SMC, kailangan din pong kumilos ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng ating mga kababayan, lalo na sa mga taga-Amparo,” pahayag ni Malapitan.

“Asahan niyo po na puspusan ang ating pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa kanila at tutukan natin ang problemang ito hanggang sa masolusyunan ang pagbaha sa Quirino Highway,” dagdag ni Mayor Along.

Samantala, inatasan na ng local chief executive ang City Engineering Department na magsagawa ng dredging at mga katulad na aktibidad upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa nasabing lugar.(BR)