Advertisers

Advertisers

MIAA, MAGSASAGAWA NG  AIRCRAFT EMERGENCY EXERCISE

0 60

Advertisers

NAKAHANDANG subukin ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kahandaan nito pagdating sa insidente ng aircraft crash sa  Crash Rescue Exercise (CREX) 2023 na gagawin sa  airside premises ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong, August 4.

Ang lahat ng airport authorities ng member states sa International Civil Aviation Organization (ICAO) ay required na magsagawa ng  bi-annually  full-scale airport emergency exercise at table-top exercise sa  intervening year. Ginagawa ito upang tiyakin na ang mga airport authorities ay may kaalaman sa pinakahuling rekomendasyon sa ilalim ng  ICAO Standards and Recommended Practices (ICAO-SARPS) manuals.

Maliban sa pag-prescribe sa standards ng ICAO-SARPS, ang crash rescue exercise ngayong taon ay aalamin kung gaano kaepektibo ang umiiral na guidelines and procedures na nakasaad sa 8th edition ng MIAA Airport Emergency Plan (MIAA-AEP).



Ipinapaliwanag ng ICAO-SARPS at MIAA-AEP ang kapangyarihan at  organizational relationships sa pagitan ng una at pangalawang  responders at support groups, at ipinapakita kung paano ang lahat ng aksyon ay magiging  coordinated sa panahon ng airport emergency. Ang dalawang dokumentong ito ay ipinapaliwanag ang  responsibilidad sa  organisasyon at sa mga tauhan kung paano ginagawa ang isang partikular na aksyon habang nagreresponde sa airport emergency situation. Ang pangunahing responders sa isang in-airport emergency sa NAIA ay ang MIAA Rescue at Firefighting and Medical units.

“This year’s exercise is another first in the history of the MIAA because we shall also simulate the management and handling of relatives of victims of the aircraft accident, something that was never done before,” pahayag ni MIAA Officer-in-Charge general manager Bryan Co.

Rated bilang Category IX airport, ang kasalukuyang MIAA  rescue and firefighting capability ay Category X compliant kung kaya handa itong magresponde sa  airport emergency kung saan involved ang Airbus A380.

Sa suporta ng mga highly skilled fire and rescue personnel, medical team na may mahusay na kasanayan at ekperiyensado sa  aviation medicine,  fleet of modern firefighting and medical vehicles, pneumatic aircraft lifting systems at iba pang mga rescue equipment, ang MIAA Emergency Services department ay maihahanlintulad sa kanyang mga  counterparts sa rehiyon.

Tiniyak ni Co na walang  flight disruptions at magpapatuloy ang normal operations habang ginagawa ang  exercise. ( JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)