Advertisers
DINAKIP ang No. 5 Most Wanted Person ng Talipapa Police Station (PS 3) nang arestuhin sa bisa ng Warrant of Arrest nitong 10:10 ng gabi ng Agosto 2, 2023 sa Quezon City.
Kinilala ni Talipapa Police Station (PS 3) PLTCOL Morgan Aguilar ang dinakip na si Billy Joel Minamin, 41 taong gulang, at residente ng No. 9 Marcel Drive, Brgy. Sangandaan, QC ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest.
Ayon sa ulat, may nakabinbing Warrant of Arrest for Rape si Minamin na inisyu ni Hon. Catherine Pespes Manodon, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC) Branch 104, Quezon City.
Aabisuhan ang korte ng pinagmulan ng Warrant tungkol sa pag-aresto sa kanya.
Kaugnay nito pinuri naman ni PBGEN Nicolals Torre III ang mga operatiba ng PS 3 para sa tagumpay na ito. “Malinaw na ipinapakita nito na ang magigiting na kalalakihan at kababaihan ng Distritong ito ay nakatuon sa kanilang mandato na subaybayan ang mga wanted na tao at ilagay sila sa likod ng mga bar,” sabi ng district director.(Boy Celario)