Advertisers

Advertisers

P9.6m water bill ng bahay na luma at ‘di ginagamit

0 115

Advertisers

NAGULAT at nanlumo ang isang residente nang umabot ang water bill ng kanilang pamilya sa higit P9.6 milyon sa Imus, Cavite

Walang nakatira sa lumang bahay nilang ito at isa hanggang dalawang beses lang daw nila kung bisitahin.

Kaya gulat na gulat ang residente nang makita ang kanilang bill sa Maynilad nitong July na umabot sa P9,678,476.88.



“Siguro sa tantya ko hanggang sa mamatay nalang ako hindi ko pa mababayaran ‘yun,” sabi ng costumer na si Manny Pastorites, Jr.

“Parang nabuhusan ako ng tubig na ‘totoo ba ‘to?” paglalahad pa ni Manny sa kanyang reaksyon nang makita ang kanyang water bill.

Hindi naman malaki ang bahay ni Manny at imposibleng maabot ang ganitong bill, kahit pa nga raw pagsama-samahin pa ang bill ng buong subdivision nila.

Nagdulot aniya ito ng matinding stress at pag-aalala para sa kanila, sabi ni Manny.

“Minsan nga ‘yung pagkain mo napipigil kapag naiisip mo ‘yung babayaran mo na ganon. Paano nalang kung may sakit ‘yung binigyan nila ng ganun? May sakit sa puso, inatake?”.



Ayon naman sa zone specialist ng Maynilad, hindi naman daw babayaran ni Pastorites ang nasabing bill.

“Actually, meron pong ginawang hakbang dyan, ni-revise na po ‘yan and then nagpadala na po ng another billing statement,” saad pa ni Peter Verino, zone specialist ng Maynilad.

Humingi ng paumanhin ang Maynilad sa pamilya ni Pastorites.

Tinitingnanng dahilan ang mali o baliktad na pagkakabit ng metro.