Advertisers

Advertisers

Sen. Chiz Escudero, pinuna ang mabagal na pagpapatupad ng suspensiyon vs mag-asawang Dumanjug

0 99

Advertisers

KINASTIGO ni Senador Francis “Chiz” Escudero ang lokal na puwersa ng pulisya ng Bonifacio, Misamis Occidental dahil sa sobrang tagal na ipatupad ang suspensyon matapos maghintay pa ng mahigit dalawang linggo ang mga pulis bago matanggal sa munisipyo ang suspendidong mayor na mag-asawang Samson at Vice Mayor Evelyn Dumanjug.

Ikinatuwiran ni Escudero na 16 araw na ang suspensyon ng mag-asawang Dumanjug at ang kanilang mga kahalili ay ginagampanan na ang kanilang mga tungkulin bago pa kumilos ang mga tagapagpatupad ng batas.

“There was a clear succession in the order of leadership in that municipality, given the suspension of the mayor, and there was no TRO issued by the court,” punto ng senador.



Bilang tugon, inihayag ni Philippine National Police (PNP) Regional Office 10 (PRO-10) Regional Director Brigadier General Lawrence Coop na isang “political standoff” ang sitwasyon at wala umano sa hurisdiksyon ng PRO-10 ang makialam.

Ibinahagi pa ni Coop na iniutos din ng Bonifacio municipal police chief na panatilihin lamang ang kapayapaan at kaayusan sa buong panahon.

Idinepenesa naman ni PNP Chief Benjamin Acorda ang mga probisyon sa kanilang protocol sa mga opisyal na maghintay muna para sa final o executory order ng quasi-judicial bodies at administrative bodies.

Gayunpaman, itinanggi ni Escudero ang naturang polisiya na dapat rebyuhin kaya bagama’t hindi dapat pumanig ang mga tagapagpatupad ng batas pero hindi rin ito dapat maupo kung may paglabag sa batas na ginagawa sa mismong harapan nila.

“You don’t need a final order in all situations to implement the law; what you need is the absence of a temporary restraining order to implement that law,” banggit pa ng senador.



Dagdag pa niya: “The least the PNP could have done was hear both sides, if you’ve been hearing from the [suspended] mayor, then hear from the acting mayor as well what the situation is.”

Matatandaang nasuspinde ang mga Dumanjug matapos masangkot sa pagbili ng overpriced at substandard na special vehicles noong taong 2022.

Matapos mabigyan ng suspension order noong Mayo, patuloy na inookupa ng mag-asawa ang municipal hall at nagkampo pa umano sa kanilang mga opisina at kinailangang i-escort palabas.