Advertisers

Advertisers

2 BANGKAY NG NAWAWALANG CESSNA AIRCRAFT, NAKUHA NA NG SEARCH AND RESCUE TEAM

0 65

Advertisers

NATULDUKAN na rin ang tatlong araw na paghahanap sa nawawalang Cessna 152 aircraft na may lulan na isang piloto at student pilot matapos na matagpuan ang kanilang bangkay sa crash site na nasa Sitio Matad, Barangay Salvacion,Luna, Apayao.

Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio na dalawang platoon mula sa 5th Infantry Battalion AFP, mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ,mga miyembro ng provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), civilian volunteers at isang helicopter na may kasamang kinatawan mula sa Echo Air ang nagsagawa ng ground search upang matunton ang nawawalang training aircraft na may registry number RPC-8598.

Ayon sa report ng CAAP, ang Cessna 152 aircraft na pinatatakbo ng Echo Air International Aviation Academy, INC ay lulan ng isang Filipino flight instructor na si Capt. Edzel John Lumbao Tabuzo at isang Indian national student pilot na kinilalang si Anshum Rajkular Konde.



Ang dalawa ay nag-take off sa Laoag International Airport noong Agosto 1, 2023 nang 12:16 PM para sa aktibidad na “touch and go” at inaasahang darating sana sa Tuguegarao Airport nang 3:16 PM ngunit hindi ito nangyari.

Nasa crash site na rin ang mga imbestigador mula sa CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) upang magsagawa ng imbestigasyon.

Idinagdag ni Apolonio na noong Enero 2023 ay mayroong limang (5) aksidente sa sasakyang panghimpapawid;

Noong Enero 24, 2023 isang Cessna 206 na may registry number na RP-C 1174 ang bumagsak sa Maconacon Airport, Isabela Province habang isa pang Cessna Caravan ang bumagsak sa Camalig, Albay noong Pebrero 18,2023.

Noong Marso 1, 2023 ay isang ambulansya na Alouette II helicopter ang nawawala sa Balabac, Palawan.



Noong Hulyo 28, 2023 isang R44 helicopter na pinatatakbo ng PAMAS ang bumagsak sa isang plantasyon ng saging sa Sitio Babahagon, Lantapan, Bukidnon at kamakailan lamang ay isang Cessna 152 training aircraft ang bumagsak naman sa lalawigan ng Apayao. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)