Advertisers

Advertisers

CALAMITY FUND AT BULKANG PINATUBO

0 256

Advertisers

SUMABOG ang napakaliit na bulkan na hindi halos makita sa mapa ng Pilipinas na matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan Zambales, Tarlac at Pampanga.

Marami kababayan natin ang nasawi nang sumabog ang Bulkang Pinatubo noong Hunyo 1991 gayundin din naman ang sobrang pinsala sa mga ari-arian sanhi ng tinawag natin na ‘lahar’ kabilang ang mga abo na ibinuga nito.

Sa taon din ng 1991 naging batas ang “Local Government Code of 1991” na agad binigyan ng amyenda ng Kongreso dahil sa nasabing kalamidad upang bigyan ng agarang pangtustos ang mga Local Government Units (LGUs) – ang Calamity Fund.



Dito na inukit ang limang porsiyento (5%) sa pondo ng kada taon na badyet ng mga munisipyo, siyudad at probinsiya para sa agarang panggastos ng LGUs kapag tumama ang anumang kalamidad sa kanilang lugar.

Madalas tinatawag sa Ingles ito na ‘Standby Fund’ dahil na rin sa uri ng pondo na sadyang nakalaan lamang para sa epekto ng kalamidad na ang ibig sabihin lamang ay pagkaraan ng pananalasa ng kalamidad.

Ganoon ang pakay ng batas sa Calamity Fund kaya siguradong may pondo ang LGUs matapos o kasalukuyang pananalasa basta may deklarasyon lamang na ‘State of Calamity’ subalit noon iyon, noong araw.

Sa muling amyenda at paggawa ng bagong batas patungkol sa kalamidad ay pinayagan na ang gobyerno na gastusin ang ‘Calamity Fund’ para bumili ng mga kagamitan pangontra o panlaban sa posibleng epekto ng kalamidad.

Kahit wala pang epekto ng lindol o bagyo ay puwede nang laruin ang nasabing pondo tulad ng pagbili ng Personal Protective Equipment (PPEs) o mga ‘rescue boats’ kabilang na ang pagpapatayo ng mga pasilidad gaya ng ‘evacuation centers’.



Ganito madalas ang naging sistema ng laro sa ‘Calamity Fund’. Kung buwan na ng Hulyo pero wala pang tumama na bagyo ay puwede na raw gastusin ang kalahati ng 5% sa nasabing pondo basta may kaugnayan sa kalamidad. Kaysa pagkain, mga kapote ang binili bilang paghahanda sa kalamidad.

Siguro nasa 2.5% na lang ang ‘Calamity Fund’ kontra ‘Egay’ at ‘Falcon’ kaya dalawang araw pa lang nagpalugaw sa ating mga kababayan ay wala nang pondo pero may evacuation center sila kaya lang walang makain o mainom na tubig .

Maganda ang layunin na payagan ng batas ang ganitong paglaro sa Calamity Fund subalit hindi talaga natutulog ang mga mapanlamang sa kapwa – ginawa pa rin negosyo ng mga mapagsamantala. Saklap naman ng inabot!

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com