Advertisers

Advertisers

Florist ninakawan na, pinatay pa

0 110

Advertisers

DUGUAN at may malaking biyak sa ulo nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng kaniyang bahay na pinasok ng magnanakaw sa Alfonso, Cavite.

Dinala pa sa Poblete Hospital pero namatay din ang biktimang si Allan Dimapilis, 50.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na 6:20 ng gabi nang matagpuan ni Turibio Gapasin ang biktima na duguang nakadapa sa loob ng bahay sa Rizal St. Poblacion 3, Alfonso, Cavite.



Sa ulat, nawawala ang bag at cellphone ng biktima kaya pinaniniwalaang pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang.

Samantala, nagluluksa ngayon ang maraming kaibigan at kakilala ng biktima na kilala umano sa buong bayan dahil ito ang madalas na kinukuha para mag-ayos ng mga lugar na pagdadausan ng kasiyahan dahil sa pagiging florist nito.

Siniguro naman ng pulisya na patuloy ang isasagawang imbestigasyon sa insidente.(Irine Gascon)