Advertisers

Advertisers

3 pulis nagbarilan sa loob ng police station sa Taguig City: 1 patay, 2 suhatan

0 868

Advertisers

PATAY ang isang pulis at malubhang nasugatan ang isa nilang kasama na umawat nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito sa loob ng presinto ng Taguig Police Station sa Taguig City.



Dead-on-spot ang biktimang si PEMS Heriberto Saguiped, miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force ’97; samantalang huling iniulat na malubhang nasugatan si PCpl Alison Sindac, pawang nakatalaga sa Taguig CPS.

Nabaril naman ng isa sa dalawang biktimang ang salarin na si PCMS Alraquib Aguel na nakatalaga din sa nasabing istasyon. Nagtamo si Aguel ng tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, naganap ang insidente nitong Agosto 7 (Lunes), 11:30 ng umaga sa loob ng Office of Community Affairs Section, HQ, Taguig CPS, City Hall Compound, Gen. Luna St., Brgy. Tuktukan,Taguig city.

Ayon sa ilang nakasaksi, nang dumating si Aguel sa nasabing tanggapan agad na kinompronta nito si Saguiped hanggang humantong sila sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril ng una.

Umaawat umano si Sindac subali’t binaril din siya ng salarin na nagawa namang makaganti ng putok kay Aguel.

Agad na isinugod ng mga kasamang pulis sa pagamutan ang dalawang biktima kung saan malubha ang tama ni Saquiped at nilalapatan naman ng kaukulang lunas si Sindac.

Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ang mga imbestigador kung ano ang motibo ng pamamaril ng salarin sa nasawi. (Jojo Sadiwa/Mark Obleada)