Advertisers
HINAGISAN ng granada ang labas ng tahanan ni retired Commission on Elections (COMELEC) Chairman Sherif Abas sa Narra St., Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City.
Sa report ng hepe ng Cotabato City Police na si Colonel Querubin Manalang, Jr. sa Kampo Krame, sinabi nitong 7:50 ng gabi ng Lunes naganap ang pagsabog.
Inakala ng mga tao sa paligid na pumutok na transformer ang kanilang narinig pero nakita sa kalsada ang uka at mga pira-pirasong granada.
Sinabi ni Querubin na walang nasawi o nasaktan sa pagsabog nguni’t tinamaan ng sharpnel ang nakaparadang SUV sa bahay.
Wala sa loob ng bahay ang nanay ni Abas nang mangyari ang insidente.
Kasalukuyang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.