Advertisers

Advertisers

JAY SONZA KULONG SA ‘ESTAFA’

0 214

Advertisers

NAKAKULONG ngayon sa Quezon City Jail sa Payatas ang dating sikat na newscaster at radio/tv commentator na Jay Sonza.

Kinumpirma ito ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jayrex Bustinera.

Inaresto si Sonza ng Bureau of Immigration officers sa airport na lilipad sana sa Hong Kong nang madiskubreng mayroon itong aktibong ‘warrant of arrest’ laban sa kanya dahil sa mga kasong ‘estafa’ at ‘syndicated and large scale illegal recruitment’ dalawang linggo na ang nakaraan.



Inilipat siya ng immigration officials sa kustodiya ng National Bureau of Investigation hanggang sa iturn-over siya sa BJMP.

Si Sonza ay nakilala sa nabuwag na tandem nila ni Mel Tiangco na ‘Mel and Jay’ sa ABS-CBN.
Kumandidato ring senador si Sonza pero hindi pinalad.

Isa si Sonza sa mga tinaguriang “Duterte Diehard Supporter (DDS)” na nanira ng todo todo kay dating Vice President Leny Robredo.