Advertisers

Advertisers

KAMPANYA VS VOTE BUYING PINAIGTING NG COMELEC

0 131

Advertisers

MAS pinaigting pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang kampanya kontra vote buying para sa nalalapit na Barangay at Sanggunian Kabataan elections sa Oktubre.

Ito ang inihayag ni COMELEC Chairperson George Erwin Garcia matapos silang lumagda ng Memorandum of Agreement sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) para sa latag ng seguridad sa BSKE.

Kasunod nito, sinabi ni COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr, kasama narin sa kanilang tututukan ang makabagong paraan ng ‘vote buying’ tulad ng electronic o e-wallet, online banking at money transfers.



May binuo na silang isang lupon na kung tawagin ay ‘Committee on Kontra Bigay’ katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Isinasapinal na lamang, ani Maceda, ang bersyon nila ng mga panuntunan sa Kontra Bigay at maisasama na ang mga bagong mukha ng ‘vote buying’ sa sandaling ilabas na nila ito. (Jonah Mallari)