Advertisers
TAHASANG inamin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi na umuusad o wala nang nakikitang paggalaw ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sinabi ni Remulla sa media briefing nitong Martes ng hapon na matapos ilabas ang warrant of arrest ay 90 araw nang halos hindi na umusad ang kaso.
Gayunpaman, tiniyak ni Remulla na hindi nila bibitawan ang kaso ng mga nawawalang sabungero at hihintayin muna nila ang ulat bago magdesisyon sa susunod na gagawing hakbang.
Titignan din aniya ng DOJ ang posibleng pagre-organisa sa imbestigasyon at kung ano ang ginagawa ng kapulisan sa kaso.
Pinagsusumite naman ni Remulla ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) ng written report sa August 23 hinggil sa tinatakbo ng kaso ng nawawalang sabungero.