Advertisers

Advertisers

Pagsala sa listahan ng P4s

0 124

Advertisers

SINABI ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian nitong Martes na ang reassessment ng listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay matatapos sa Setyembre.

Ayon kay Gatchalian, mayroong 700,000 pamilya ang muling sinusuri kung sila ay maituturing na “poor” at maging benepisyaryo ng cash assistance program ng gobyerno.

“So ongoing iyong reassessment ngayon at matatapos iyan ng September para talagang masigurado natin na mabuti ang dapat mong kasama sa 4Ps program, kasama sa program – hindi ka dapat kasama sa program, hindi na kasama sa program,” pahayag ni Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang.



“Sinigurado lang natin talagang na… like I said, na nafi-filter ng maayos. Pero come end of September, tapos na iyong reassessment na iyon and then what we can do next is now start paying them. At mabilis naman sa department dahil nga naka-cash card naman ‘yang mga ‘yan – once the fund is obligated, disburse kaagad iyon,” dagdag pa niya.

Sa unang bahagi ng taong ito, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DSWD na ipagpatuloy ang pag-calibrate ng 4Ps at bumuo ng mga social protection initiatives ng ibang gobyerno.

Ang 4Ps ay isang poverty alleviation program ng pambansang pamahalaan na nagbibigay ng conditional cash grants sa mga benepisyaryo na itinuturing na “extremely poor households” para mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon, partikular ang mga batang may edad 0–14.

Nauna nang inanunsyo ng ahensya na ang “Listahanan” poverty database program nito ay magtatapos ngayong taon upang bigyang-daan ang buong pagpapatupad ng Community Based Monitoring System (CBMS) simula sa 2024.

Ang “Listahanan” ay isang poverty database na tumutukoy sa mga mahihirap na pamilya at sa kanilang mga lokalidad. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">