Advertisers

Advertisers

Gela pumasok na rin sa showbiz gaya nina Mom Sylvia, Ate Ria at Kuya Arjo

0 183

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG grupo ni Gela Atayde na siya ang leader na Legit Status, ang tinanghal na Grand Champion sa MegaCrew division ng World Hip Hop Dance Championship, na ginanap sa Phoenix, Arizona noong August 6, 2023. Tinalo nila ang 54 na ibang dance groups mula sa iba’t ibang bansa.
“From all the sleepless training nights, missed events, injuries, failures, heartaches, and doubts to the great runs, good laughs, happy tears, great memories, and this championship. This is the hardest thing I’ve ever had to go through in my life so far, but Iam so grateful for how it turned out,” sabi ni Gela.
Ang kuya ni Gela na si Arjo Atayde ang kanyang main inspiration para pasukin na rin ang pagsasayaw. Isa kasing mahusay na dancer si Arjo.
Gaya ng kanyang mommy Sylvia Sanchez, kuya Arjo, at ate Ria, pinasok na rin ni Gela ang pag-aartista.
Isa siya sa bida ng Senior High, the highly anticipated TV series produced by ABS-CBN and Dreamscape.
Ang ilan pa sa cast nito ay sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at JK Labajo. Kasama rin dito si Sylvia, na gumaganap bilang lady guard, at ang best friend ni Gela na si Kyle Echarri.
Natutuwa si Gela na sa first series niya ay kasama at katrabaho niya ang kanyang mommy Sylvia. At very supportive ang award-winning actress sa desisyon niyang subukan na rin ang kapalaran sa showbiz.
“Siya po ‘yung isang tao na nagsabi sa akin na ‘kaya mo ‘yan ‘nak. Kaya mo yan ‘nak!
“The best advice that my mom gave me, I guess was..she always reminded me, she always told me, na gamitin ko ang puso ko in everything that I do. And for as long as I use my heart, I will succeed.
“Especially in acting. Kasi naman si mom ko, puso naman laging ginagamit niya, with all the roles she does,” sey pa ng magandang dalaga.
***
SINA Jose Manalo at Wally Bayola ang hosts sa Wow Mali: Doble Tama, na mapapanood na simula sa August 26, Saturday, 6:15 sa TV5.
Sa ginanap na madiacon para sa Wow Mali, inamin nina Jose at Wally na pandemic pa ito in-offer sa kanila. Kaya lang dahil lock down ang buong bansa that time, kaya hindi muna sila nakapag-taping para rito.
Sabi ni Jose,”Pandemic palang tinanong na kami ng APT (Entertainment) at in-offer nga, siyempre um-oo kami. Kaya lang sabi namin, ‘alam ba ni Tito Joey (de Leon) ito?’ ‘Yun agad ang tanong namin bago namin tanggapin itong Wow Mali.”
Si Joey kasi ang original host ng Wow Mali.
Patuloy niya,”Sabi namin na magpapasintabi kami at umokey naman si boss Joey at sabi niya, ‘kung kayong dalawa ang gagawa, okay.’ Kaya salamat boss Joey.”
Dagdag naman ni Wally, “Kumbaga, kami na ang nag-aantay tulad nga ng sinabi ni Jose pandemic time pa, sinabihan kami na magkakaroon kami ng show, tapos naghihintay kami akala ko na hindi na tuloy, kasi nga lockdown. Then heto na, pasalamat kami kay boss Joey. Salamat po, at kami ang naatasan.”
Noong i-offer sa kanila ang Wow Mali since isa itong prank show, hindi ba nila naisip na baka pina-prank lang din sila, o ginu-goodtime? Na kay Joey din pala ibibigay ang pagho-host ng show at hindi sa kanila?
Pag-amin ni Jose,“Oo naisip din namin ‘yun, kaya ang ginawa namin dumiretso na kami kay boss Joey na magtanong, para siguradong walang wow mali na ginawa sa amin.”
Natutuwa naman sina Jose at Wally na malaki ang tiwala sa kanila ni Joey kaya pumayag itong sila ang pumalit sa kanya bilang bagong host ng Wow Mali.
At dahil “Wow Mali: Doble Tama” hosts ang JoWa, paano kung sila naman ang i-prank at bagong gising sila, paano naman kaya sila magre-reak?
“Ako, siguro sasampalin ko,” tumatawang sagot ni Jose.
“Yung reaksyon siguro, hindi ko alam, pero hindi ako magagalit. Parang naisip ko, pati kami?’
“So far wala pong nangyayaring kami ang na-prank. Kapag nakita na kami nagugulat sila,” sambit naman ni Wally.