Advertisers

Advertisers

Nalinya dati sa mga bida role…Jolina bet na maging kontrabida

0 122

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA Tatak Star Magic Celebrity Conversations, inilahad ni Jolina Magdangal na marami pa siyang dream roles na gustong magampanan sa kanyang acting career.
Para kasi sa kanya, marami pa siyang ibubuga pagdating sa pag-arte.
Hirit pa niya, gusto rin daw niyang maging kontrabida.
“Marami pa akong hindi nagawa. ‘Yung mga piping saksi. Kasi sabihin natin ‘yung mga gusto kong roles sana ‘yung pa-suspense, pa-thriller at ‘yung hindi mo aakalain na siya ‘yung masama, ‘yung ganun, gusto ko magkontrabida,” aniya.
“Kasi sa liit kong ito, sino ba ang makakasampal sa mga matatangkad ‘di ba? After nung soap opera (Flordeliza) na ginawa ko nung bumalik ako sa ABS-CBN ay parang napunta na ako ng hosting. If ever lang magkaroon ng project na hindi naman hosting, gusto ko ‘yung mga ganun,” dagdag niya.
Sey pa niya, layunin din daw niya na mag-iwan ng legacy sa local movie at music industry.
“Mga awards ang ultimate goal ng mga artista. Pero sa akin magkaroon man ng mga awards o kung hindi na, ang gusto ko lang ay ‘yung legacy ko ay maganda ang tingin nila. Eto natutunan ko rin ito kay Tito Martin Nievera maging grateful ka rin sa mga bago ngayon. At huwag mong sisirain ‘yung relationship mo sa kanila o maging friends din kayo kasi sila rin ang magtutuloy sa legacy mo.
“Kasi kung naging maayos ka, tapos nakanta ulit ang mga kanta mo sa TV, na-remake ang movie ikaw rin ‘yon. So kung naging maayos ka sa trabaho mo I think magtutuluy-tuloy ‘yung legacy mo. At hindi ka lang basta naging maayos sa trabaho mo, dapat naging maayos ka sa pakikisama dito sa industriya,” paliwanag ng “Magandang Buhay” host.
Dagdag pa niya, pangarap rin daw niyang makatrabaho ang premyadong actress at dating ABS-CBN President na si Charo Santos na iniidolo niya.
Sa tagal kasi niya sa network, di pa siya nagkakaroon ng pagkakataon na maka-work ito lalo na noong magpokus siya sa hosting.