Advertisers
INANUNSYO ng isang rice miller organization na unti-unting bababa ang presyo ng bigas susunod na 2 hanggang 3 linggo.
Ayon kay Nueva Ecija Rice Millers Association President Elizabeth Vana, ang pagbaba ay dahil sa paparating na bagong ani.
Sinabi ni Vana, asahan na bababa ang presyo ng bigas ng P2 hanggang P3.
Sa datos na binabantayan ng Department of Agriculture, ang kasalukuyang stock ng bigas, na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, ay nasa P55 kada kilo para sa regular milled rice at hanggang P57 para sa well-milled rice.