Advertisers

Advertisers

Sey ng psychic…Yorme at Paolo aalis sa Bulaga, show mawawala rin

0 225

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KAKALOKA ang isang hula regarding sa mga noontime show ay isang pamosong manghuhula na si Mamu Gloria ang nagbasa ng tarot card para sa kapalaran ng mga noontime show ngayong Ghost Month.
Ayon sa isang vlogger ay nakikita at nababasa nito sa kanyang tarot cards na may isang noontime show na mawawala sa ere.
Nabasa ni Mamu G na mahina ang pasok ng salapi or money sa kumpanya.
Kaya mapipilitan na magsara or isara ang nasabing noontime show.
Naitanong ng vlogger kung anong noontime show ba ito.
Diretso naman sinabi ng manghuhula sa pamamagitan ng kanyang tarot card na Eat Bulaga nga raw ito.
Naitanong ulit ng vlogger na paano na ang mga host nito.
Si Paolo Contis nga raw ay aalis na lang sa show ganun din si Yorme Isko Moreno na magbabalik pulitika na lang.
Hmmmp!?
***
RICCI AT LEREN NAISPATANG MAGKASAMA
PAANO kaya maitatanggi pa.nina Ricci Rivero at beauty queen politician na si Leren Bautista ang kanilang relasyon?
Matatandaan na itinanggi nila na magkasintahan sila pero madalas silang maispatanan na magkasama
Noong Mayo taong kasalukuyan nang magsama sa isang outreach program ang dalawa.
At ito nga lang week na ito ay nakunan na magkasama sina Ricci, ex ni Andrea Brillantes na kasama nito sa Los Banos si Leren.
Bandang 7:40 ng umaga nang makunan ang dalawa na parehong naka-face mask na tila nag-jogging.
Nakumpirma ng spy na si Ricci ang kasama ni Leren nang magtanggal ito ng face mask at kilala naman si Konsehala sa Los Banos, Laguna kahit di pa ito magtanggal ng face mask dahil taga-doon ang naka-ispat na kunan sila ng larawan na kalat na ngayon sa socmed.
Well, well, well…’Yun na!