Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PARA sa mga hindi nakakaalam, may mga kapuspalad na nilalang na pinag-aaral si Alden Richards!
Sa pamamagitan ng kanyang AR Foundation scholarship program ay mahigit isang taon nang sumusuporta si Alden sa mga estudyanteng may kaalaman pero walang sapat na pamamaraang pinansiyal para makapag-aral.
“We already have twenty seven scholars at the moment and I think we already have three graduates po and then by the end of the year I think additional three more, tatlo pa po ulit na ga-graduate this year ng college,” masayang kuwento ni Alden.
Samantala, gumanap at gaganap si Alden sa apat na iba-ibang klase ng karakter para sa Alden August ng #MPK na nagsimula ang unang episode noong August 5.
“Challenging po siya sa akin and at the same time gusto ko ring masubukan kung hanggang saan ko ba kayang panindigan itong pagiging aktor ko pagdating po sa iba-ibang character na gagampanan ko.
“And I think this is the opportunity. Gusto ko na po kasi lately tsina-challenge yung sarili ko pagdating sa mga ganyan para hindi laging kumportable.
“Ayoko po ng nare-relax when it comes to acting kasi that’s the death of an actor, when you just want to get roles na kumportable ka.
“So I want something different, ‘Sige sino po yan? Game!’
“And ang ipinagpasalamat ko po is I was given the opportunity to choose roles, ng stories po, for this month-long special and pinili ko po yung mahihirap talaga.
“Para of course, since this is the first gusto natin na maging maganda ang impact nito siyempre sa makakapanood po.”
Sa Sabado ay mapapanood ang ika-apat na MPK episode ni Alden at ito ay ang “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story” sa direksyon ni Gina Alajar.
***
MARAMING beauty pageants nang sinalihan si Hanelette Domingo kabilang na ang Mrs. Asia-Canada Universe 2018.
“It was held here in the Philippines, that was 2018, sa Cebu.
“Ako ang representative, supposed to be merong Canada pero I was the representative of Canada-Asia, Asian community, parang ganun, and then all of a sudden walang Canada, so parang ako na rin ang Canada.”
Siya ba ang nanalo over-all?
“Sa Canada. Ito sa Cebu, hindi, finalist lang ako.”
Bakit siya sumali sa naturang pageant?
“You know, actually one of my friends introduced me about pageantry, so tinanong niya ako kung puwede akong mag-join or something, and then sabi ko ayoko,” at tumawa si Hanelette. “Wala akong confidence.”
Paano siya napapayag?
“I asked my friend so kung halimbawang magdyu-join ako, susuportahan nila ako? Then they said yes.”
Ang tinutukoy ni Hanelette ay ang pinakaunang pageant na sinalihan niya sa Canada, ang Mrs. Philippines Canada Calgary.
“Yes, in Calgary, that was like April of 2015.”
Pagpapatuloy pa ni Hanelette…
“Meron pa, I joined a pageant in 2015 sa Toronto, Canada as the Mrs. Philippines Canada, and I won, and then after that, 2016 nag-break ako sa pageantry but nag-organize kami ng pageant with my friends.
“And then 2017 I joined the Dominican Republic pageantry as well for Mrs. World City Queen.”
Sulit naman ang pagpunta ni Hanelette sa Dominican Republic mula sa Canada dahil siya ang nakapag-uwi ng korona.
“Yeah, I did, I got the title.”
Bukod sa pagiging beauty queen ay producer din si Hanelette, sa katunayan ay may mga pa-basketball games siya sa Canada na mga local male celebrities mula sa Pilipinas ang maglalaro.
Isa na rito ay gaganapin sa Oct 22, 2023 (6 pm) sa Seven Chiefs Sportsplex, 19 Bullhead Road Calgary, T3T 0A8 Canada.
Ang mga celebrities na dadalo ay sina JC Tiuseco, Cesar Montano, Diego Loyzaga, Marcus Paterson, John Gonzaga, Luningning plus 2 celebrity special guests.
For interested sponsors sa Canada, p?lease contact 587-226-6791 for more information.