Advertisers

Advertisers

Hawaii wildfire: 1 pang Pinoy nasawi

0 85

Advertisers

NAKUMPIRMA ang isa pang Pinoy ang nasawi sa malaking wildfire sa Maui, Hawaii, USA Agosto 8, sinabi ng Konsulado ng Pilipinas sa Honolulu nitong Martes.

Kinilala ang Filipino na nasawi na si Rodolfo Rocutan, 76 anyos, kabilang sa limang pinakahuling namatay na kinilala ng mga opisyal ng Maui County noong Agosto 20.

Sinabi ng konsulado ng Pilipinas na residente si Rocutan ng Lahaina na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Maui.



Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay ang gobyerno ng Pilipinas ng tulong pinansyal sa pamilya ni Rocutan.

“The Consulate has reached out to a relative of the late Mr. Rocutan to convey its deepest sympathies and offer the Philippine government’s support and assistance, including cremation and repatriation of remains as requested,” ani Consul General Emilio Fernandez sa isang pahayag.

Noong Agosto 18, kinumpirma ng DFA na ang 79-anyos na si Alfredo Galinato ang unang Pilipinong nasawi sa mga wildfire na ikinamatay ng mahigit 100 katao.