Advertisers
NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 12-anyos na babae nang gawing `sex slave’ at mabuntis ng kanyang stepfather sa Quirino province.
Ayon kay NBI-Bayombong District Office (NBI-BAYDO) chief Dado Araos, hindi muna pinangalanan ang stepfather dahil sa ginagawang follow-up investigation at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Samantala, inaresto rin ang ina ng biktima dahil sa pakikipagsabwatan nito sa salarin sa sexual exploitation.
Sinabi ni NBI agent-on-case Rodelyn Gay Eugenio, nalaman nila ang pangyayari sa batang babae noong Lunes sa Cabarroguis, Quirino at nakipagtulungan sila sa opisina ng provincial social workers upang makontak ang mga kamag-anak ng biktima.
Inimbitahan ng NBI sa bayan ng Sagubay ang biktima, ang kanyang nanay at stepfather
Sa pagtatanong ng mga opisyal ng Provincial Social Welfare Office ng Cabarroguis, biglang humagulgol ang biktima, yumakap sa kanyang `maternal auntie’ at sinabi ang sinapit sa amain.
“After crying for several minutes, the victim bared how her stepfather sexually abused her since 2020 when she was ten-years-old,” ani Eugenio.
Inamin umano ng nanay ng biktima na nahuli niyang nakapatong ang live-in partner sa kanyang anak ngunit hindi ito nagsumbong sa otoridad.