Advertisers
SIMULA na ngayong araw ang election period at gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, handang-handa na ang Comelec para sa nalalapit na halalan.
Ani Laudiangco, na alas-12 ng hatinggabi, magse-set up ang Philippine National Police ng mga checkpoint na hudyat na nagsimula na ang election period at gun ban.
Inihayag ni Laudiangco na magsisimula narin silang tatanggap ng certificates of candidacy (COCs) mula August 28 hanggang September 2, mula Lunes hanggang Sabado.
Ang campaign period ay magsisimula sa October 19 hanggang October 28.