Advertisers

Advertisers

EX-OFW NAG-AMOK: 3 BRGY. TANOD PATAY!

0 180

Advertisers

NASAWI ang tatlong barangay tanod nang pagbabarilin ng isang lalaki sa San Juan, Cainta, Rizal, Sabado ng hapon.


Kinilala ang mga nasawi na sina Romeo Paraiso Cortez, 55 anyos; Roberto Reyes Donor, 51;  at Ronnie Aceveda Gonzales, 58; habang sugatan  ang security guard ng subdibisyon na si Bernard Sales, pawang nakatira sa Cainta.




 

Ang salarin ay kinilalang si James Batong, 68, dating OFW, ng Greenland Subdivision.

 

Sa ulat, binugbog ng isang lalaki ang residente kaya nagsumbong ang mga kapitbahay nito sa mga tanod na agad namang rumesponde sa bahay ng salarin sa isang subdibisyon.

 



“Itong barangay iimbitahan lang sana siya. Ngayon pagdating nila sa bahay ng salarin pinaputukan kaagad sila, so tatlo agad ‘yung patay na mga tanod. And then ‘yung salarin lumabas pa at talagang gustong mamaril,” pahayag ni Cainta Police Major Jake Cariño.

 

Isang concerned citizen ang tumawag sa mga pulis. Pagdating ng mga operatiba, nadatnang bangkay na ang mga biktima na nagtamo ng tama ng mga tama ng bala sa likod at dibdib.

 

Nakipag-negosasyon ang mga pulis sa salarin na nasa loob ng kanyang bahay para sumuko. Inabot ng anim na oras ang negosasyon.


“Past 3:00 na, tapos itong nangyari na mga 9:00 napasok. Ginamit namin lahat ng option namin, remedy namin, pero wala talaga, hindi na talaga. Nagmamatigas na talaga siya,” sinabi ni Cariño.

 

Nang pumasok ang assault team ng SWAT sa bahay, pinaputukan sila ng salarin.

 

Napatay ang salarin nang mabaril sa dibdib, habang nasugatan sa pisngi ang isang miyembro ng SWAT.


Wala namang criminal record ang salarin. Base sa pakikipag-usap nila sa anak nito, nakaranas umano ng depresyon ang ama matapos magkaproblema sa trabaho at pamilya.