Advertisers
AABOT sa P1.4 bilyong halaga ng shabu ang nasabat sa parking area ng isang supermarket sa Barangay Camachiles, Mabalacat, Pampanga, Biyernes, Agosto 25.
Sinabi ni Atty. Ross Jonathan Galicia, hepe ng Task Force Against Illegal Drugs ng National Bureau of Investigation, nagkakalaga ng P1.4 bilyon ang nakuhang droga.
Nakita ang susi ng sasakyan na nakadikit sa side mirror ng kotse na nakatupi.
Ayon kay Galicia, lumilitaw na bago palang naibenta ang naturang sasakyan, at pinaniniwalaang ibibiyahe sa Metro Manila.
Ikukumpara ang mga nakuhang shabu mula sa mga droga na dati nang nasamsam para malaman kung saan ito nanggaling.
Susuriin din ang mga CCTV footage na maaaring makatulong upang matukoy kung sino ang nagmaneho at nag-iwan ng sasakyan.