Advertisers

Advertisers

Titser nalunod sa ilog habang pauwi galing iskul

0 123

Advertisers

NASAWI ang isang guro na galing sa eskwelahan nang malunod at tangayin ang sinasakyan nitong balsa sa Esperanza, Agusan del Sur.

Natagpuan nitong Biyernes, Agosto 25, ang bangkay ng guro na si Junard Saguidon na palutang-lutang sa Pusilao River sa Sitio Balobo, Purok 5, Barangay Bunaguit ng nasabing bayan.

Ayon sa kaibigan nitong si Elmer Tayon, galing sa paaralan ang biktima matapos dumalo sa pagtatapos ng National Learning Camp.



Sakay ng balsa ang biktima na tatawid kasama ang tatlo pang guro sa Calabuan River nang rumagasa ang tubig sa ilog.

Bago pa ito, pinayuhan ng mga residente ang apat na guro na huwag nang tumuloy sa pagtawid dahil sa baha, pero dahil sa kagustuhan nilang makauwi agad tumuloy parin ang mga ito.

Dahil sa pangyayari, nalunod si Saguidon habang nakaligtas ang tatlong kasamahan nito.

Maliban sa nasabing ilog, mula sa sentro ng Esperanza may kabuuang apat na malalaking ilog ang kailangang tawirin ng mga guro at isinasakay lamang ng mga ito ang kanilang motorsiklo sa balsa kung tatawid.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">