Advertisers
NASAWI ang isang babae nang pagsasaksakin at pagnakawan ng mga nanloob sa tahanan nito sa Barangay Laram, San Pedro, Laguna.
Kinilala ang biktima na si Razel Bautista, nasa hustong gulang, naninirahan sa nabanggit na lugar.
Sa report ng San Pedro City Police Station, 10:50 ng umaga nang matagpuan ang biktima ni Melanio Santos na duguan sa loob ng banyo kungsaan kaagad na humingi ng tulong sa mga barangay tanod para isugod sa pagamutan subali’t kaagad na binawian ng buhay.
Napag-alaman, na nagsosolo lang ang biktima sa kanyang bahay nang looban ito ng mga salarin at natuklasan na mayroong mga kagamitan na nawawala sa loob ng bahay.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.