Advertisers
NANAWAGAN ng hustisya kay Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., ang mambabatas na si Congressman Didi Cabredo at mga mamamayan ng Libon, Albay nang maitala ang sunod-sunod na pamamaslang sa dalawang barangay chairman at dalawang barangay kagawad kabilang ang asawa ng isa sa mga biktima.
Sa pinakabagong ulat mula sa Regional Police Office 5 ng PNP, pauwi na galing sa pagsusumite ng kanyang Certificate of Candidacy 6:40 ng gabi nitong Lunes, Agosto 28, si Barangay Chairman Alex Enriquez Repato, 51 anyos, ng Barangay San Jose nang tambangan ng riding in tandem na hindi naplakahan. Agad binawian ng buhay ang barangay chairman.
Agosto 22, 2023, nasawi rin ang top notcher kagawad ng Barangay Nogpo na si Rellosa Mata at ang asawang si Alfredo. Pauwi ng bahay ang mag-asawa galing sa isang lamay sa Barangay Bariw sakay ng motorsiklo nang tambangan at pagbabarilin.
Pinaslang din ang isa pang barangay chairman na si Oscar Maronilla at barangay kagawad na si Salvador Olivares bago pa sumapit ang filing ng Barangay at Sanggunian Kabataan (BSKE) Election. (KOI LAURA)