Ex-Mayor ng Cavite takbong tserman, pinigilan ng DILG
May perpetual disqualification kaugnay ng kasong rape…
Advertisers
NAUDLOT ang nakatakda sanang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ni dating Cavite City Mayor Bernardo “Totie” Paredes bilang kapitan nang ihain ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hatol nitong guilty sa kasong Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Public Official na may kaparusang perpetual disqualification o habang buhay pagbabawal tumakbo o humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan na kaugnay pa rin sa kasong rape na inihain dito ng isang menor de edad.
Matatandaan na isang menor de edad na itinago sa pangalang Lovi ang nagsampa ng kasong rape kay Paredes matapos umano siyang pagsamantalahan ng dating mayor sa Bermuda Drive Inn malapit sa Shangri-La.
Ayon sa biktima, pilit umano siyang pinaghubad ng suspek, daliriin at ipasubo pa ang ari nito.
Dahil sa tibay ng pahayag ng bata, kinatigan ito ng Office of the Ombudsman na may hatol na dismissal from the service, pagkansela ng mga benepisyo at perpetual disqualification from holding public office o pagbabawal tumakbo o humawak sa anumang posisyon sa pamahalaan.
Bukod dito, ipinababalik din ng Ombudsman ang halaga ng isang buong taong sweldo nito.
Samantala, kasalukuyan pa rin dinidinig sa Mandaluyong RTC Branch 277 ang kasong kriminal na isinampa pa rin ni Lovi sa dating mayor.