Advertisers
UMABOT lamang ng nasa mahigit 30 minuto at agad tinapos ng Committee on Appropriations ang budget deliberation ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2024.
Nasa P2.385-billion ang proposed budget ng Office of the Vice President para sa fiscal year 2024.
Tinapos ang budget briefing ng walang nagtanong na mga mambabatas.
Si Senior Majority Leader Sandro Marcos, ang nag-motion para i-terminate ang deliberasyon.
Ito ay bahagi ng “long-standing tradition” na binibigyan ng parliamentary courtesy ang OVP.
Samantala, kinukundena ng Makabayan bloc ang ginawa ng Committee on Appropriations ang pagpigil sa Makabayan bloc hinggil sa kanilang hinahangad na katanungan at interpelasyon sa tinatawag na confidential fund sa Office of the Vice President.
Sinabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro maraming bagay ang dapat ipaliwanag ng OVP sa publiko.
Ayon kay Castro na sila ay nagtataka kung bakit ganuon ang ginawa ng Komite.
Sabi ni Castro ay nakakagalit ang pangyayari dahil lubos silang naghanda para magtanong sa Office of the Vice President kung paano ginastos nito ang P125 million na confidential fund, na hindi man lang kasama sa 2022 General Appropriations Act (GAA) budget.