Advertisers
ARESTADO ang isang dating nurse nang mahulihan ng tinatayang P1.5 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Jagobiao, Mandaue City, madaling araw ng Agosto 30.
Kinilala ni Police Colonel Maribel Getigan ang naaresto na si Jhon Rosalia Buhia, 35 anyos, tubong Borgus, Bacolod City, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Barangay Arpili, Balamban, sa kanlurang Cebu.
Sinabi ni Getigan na nahulihan si Buhia ng 220 gramo ng shabu na may market value P1,496,000 sa nasabing operasyon.
Ayon kay Getigan, isang pinagkakatiwalaang drug courier si Buhia ng isang preso sa New Bilibid Prison at isang high value individual sa watch list ng lungsod.
Sinabi rin sa ulat ni Getigan na dating lisensiyadong nars si Buhia, na binawi ang lisensya nang makaharap niya ang kanyang head doctor ilang taon na ang nakararaan.