Advertisers

Advertisers

PASOK SA METRO SUSPENDIDO

0 108

Advertisers

HULI man daw at magaling ay naihahabol din.

Ito’y matapos i-anunsiyo ng Malakanyang sa pamamagitan ng isang memorandum circular na suspendido ang klase sa lahat ng antas, maging ang pasok sa mga pampublikong opisina sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), epektibo ang direktiba mula 3:00pm nitong Huwebes, Agosto 31, alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).



Sinabi ng ahensya na ito’y bunsod ng malakas na pag-ulan na dulot ng Habagat, Super Typhoon #GoringPH at Severe Tropical Storm #HannaPH.

Sa kabila nito, tuloy naman ang operasyon ng mga tanggapan na nagbibigay ng basic at health services, kasama na ang mga tumutugon sa mga kalamidad at sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Ipinauubaya naman ng Palasyo ang suspensiyon ng pasok sa pribadong paaralan at kompanya sa kani-kanilang management.

Ang Memorandum Circular No.29 ay pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">