Advertisers
NASAWI ang isanv 28-anyos na ginang nang pagbabarilin madaling araw ng Martes sa Simoun Street, Tondo, Manila.
Kinilala ang biktima na si Jan Marini Cruz, residente ng Simoun Street.
Ang salarin ay nakasuot ng kulay itim na jacket at naka-bullcap, na mabilis tumakas bitbit ang hindi pa matukoy na uri ng baril.
Sa ulat, 5:45 ng umaga nang pagbabarilin ang biktima sa tapat ng kanyang bahay.
Isang kaibigang babae ang isa sa nagbigay ng salaysay sa pulisya na nang mga oras na iyon ay bumaba ito ng bahay para magtapon ng basura, nakita nito ang biktima na galing sa eskuwela naghatid ng anak.
Habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay, sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at nakitang nakabulagta ang biktima.
Nagawa pang maisugod ng mga kaanak ang biktima sa Tondo Medical Center subalit idineklarang “dead on arrival” ng doktor.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Jocelyn Domenden)