Advertisers

Advertisers

P3.4m droga nasamsam sa Cotabato City

0 110

Advertisers

NAKAHULI ng P3.4 million halaga ng shabu ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang tulak na nalambat sa Cotabato City, Martes ng gabi, September 5, 2023.

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Christian Frivaldo, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, hindi na pumalag pa si Toraife Saikol Andi nang arestuhin ng mga operatiba na kanyang napagbentahan ng isang kilong shabu.

Naikasa ang entrapment operation sa tulong ng mga kasapi ng Cotabato City Police Office at ng mga tropa ng 5th Marine Battalion ng Philippine Marines Corps.



Kinumpiska ng mga PDEA-BARMM agents ang isang itim na Mitsubishi Strada pick-up truck na gamit ni Andi sa paghahatid ng shabu sa kanyang mga kontak sa Cotabato City at ilang bayan sa Maguindanao del Norte.