Advertisers
NASAWI ang isang rescuer ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng search and rescue operation sa ilog sa La Union nitong Martes.
Rumeresponde sa insidente ng pagkalunod si Ponciano Nesperos nang mawalan ito ng balanse at tangayin ng rumaragasang tubig sa ilog sa Sitio Daeng, Barangay Halog East sa Tubao.
Tinangka pang iligtas si Nesperos, miyembro ng Special operations Group-North Western Luzon, pero idineklara siyang “dead on arrival” sa ospital.
Nakaranas ng malalakas na ulan at pagbaha ang ilang bahagi ng Luzon kamakailan dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Goring at Hanna. (Jocelyn Domenden)