Advertisers
NADISKUBRENG patay at may tama ng baril ang isang Pulis Legaspi sa loob ng lodging house sa Virac, Catanduanes.
Kinilala ang biktima na si Corporal Jose Candia Discano III ng Barangay Maroroy, Daraga, Albay at nakatalaga sa Legaspi City Police Station.
Sa ulat, 2:15 ng hapon ng Setyembe 4, 2023 nang matagpuan na walang buhay ang biktima sa loob ng JM Pension House (Jojo Lodging House) sa Brgy. Gogon Centro sa nasabing bayan.
Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang Virac MPS buhat kay Ginoong Jose B. Maliñana Jr., na may insidente ng pagpapakamatay o aksidenteng pumutok lamang ang baril ng biktima sa loob ng naturang lodging house.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.