Advertisers

Advertisers

3 pugante arestado sa back-to-back operations ng BI

0 111

Advertisers

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong puganteng kinabibilangan ng dalawang Nigerians at isang Taiwanese sa back-to-back operations ngayong linggo.

Nadakip sa kilalang mall sa Imus, Cavite noong September 13 sina John Chukwuemeka Enuka, 41 at Ugochukwu Christopher Nwabufo, 31.

Ang dalawa ay nalambat ng mga miyembro ng fugitive search unit (FSU) ng BI na pinamumunuan ni Rendel Ryan Sy sa joint operation kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region, National Bureau of Investigation (NBI) Task Force Against Illegal Drugs (TFAID) at government intelligence units.



Sila ay naaresto sa isang buy bust operations matapos maaktuhan na nagbebenta ng illegal drugs na isang paglabag sa Section 5 in relation to section 26 paragraph B and section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang drogang nasamsam sa dalawang Nigerian nationals na kinabibilangan ng Marijuana at Heroin ay may street value na tinatayang nasa Php 8 Million.

Batay sa records, dumating ng bansa si Nwabufo noong 2022 at nag-overstayed na. Si Enuka naman ay nagtrabaho sa isang kumpanya sa Pilipinas pero walang maipakitang dokumento nang siyasatin.

Sa report ni Bi-FSU Sy kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang Taiwanese national na si Chen Kai-Wun, 55, ay isang takas sa batas ng Taiwan government at itinuturing bilang isang undesirable alien na naaresto noong September 14 sa General Trias, Cavite.

Ang puganteng si Chen ay may arrest warrant na ipinalabas ng Shilin District Prosecutors Office dahil sa Violation of Controlling Guns, Ammunition and Knives Act of Taiwan noong May 2023.



Siya ay pinaniniwalaang lider ng kilabot na Taiwanese syndicate na sangkot sa arms trafficking. Si Chen ay sangkot din umano sa unlawful entry ng isa pang puganteng Taiwanese sa bansa.

Sina Nwabufo at Enuka ay nasa PDEA National Office , Quezon City, habang si Chen ay nasa holding facility ng BI Bicutan, Taguig habang hinihintay ay deportation nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)