Advertisers

Advertisers

Food rider huli sa P7.4m shabu

0 116

Advertisers

UMABOT sa P7.4 million halaga ng shabu ang nakuha sa isang food delivery rider sa buy bust operation ng mga awtoridad noong Miyerkules sa Surigao city.

Kinilala ang nadakip na si Charlemagne Dialde Alatraca III, 22 anyos, ng Purok 6, Barangay Sabang.

Sa report ng Surigao City Police Station (SCPS) katuwang ang 1st Surigao del Norte Provincial Mobile Force, nadakip ang suspek Miyerkules ng gabi.



Nakuha kay Alatraca ang isang pakete ng shabu na may bigat na 1.1 kilos at may street value P7.4 million.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng SCPS ang suspek.