Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, ginawang honorary member ng LAKAN-MPD

0 589

Advertisers

“A great, common mission.”

Ito, ang ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, ang ipinagkatulad niya at ng miyembro ng LAKAN-MPD, kasabay ng kanyang pasasalamat sa grupo sa dahil sa iginawad sa kanya bilang honorary member.

Dinaluhan ni Lacuna ang pagbubukas ng Lakan Lounge sa Manila Police District headquarters, United Nations Avenue, kasama si MPD District Director PBGen. Andre Dizon at iba pang police at city officials.



“Nais kong batiin ang lahat ng bumubuo sa LAKAN-MPD, na mga matitipuno at magigiting na kasapi ng ating kapulisan na pawang alumni ng ating Philippine National Police Academy, sa paglulunsad nitong magandang proyekto ng pagkakaroon ninyo ng tinatawag ninyong LAKAN lounge. Sa tagalog, ang lounge ay “pahingahan”, saad ni Lacuna.

Habang ang lounge ay nangangahulugan bilang ‘lugar pahingahan’, nagpahayag ng pagtitiwala si Lacuna na ang bagong pasinayang lugar ay magsisilbing lugar para sa meetings, pag-uusap at pagpaplano kaugnay ng iba’t-ibang usapin at proyekto na nakalinya sa ngalan ng lahat ng PNPA Alumni na nakatalaga sa Maynila.

“Nakatutuwang isipin na makalipas ng ilang dekada mula sa unang batch ng PNPA noong 1980 ay nagkaroon na ang LAKAN ng isang landmark project dito. At sana nga ay marami pa kayong mga makabuluhang proyketong mailulunsad para sa kapakinabangan ng kapwa ninyo pulis, ng inyong mga pamilya at ng taong bayan na inyong pinaglilingkuran,” ayon sa lady mayor.

Bilang pinakabagong honorary member, nangako si Lacuna na gagawin niya ang lahat upang isabuhay ang kahulugan ng pagiging ‘Lakan’, na ayon sa kanya, ay nangangahulugan ng pagiging supreme leader na mamumuno sa pagtatatag ng kapakanan ng kanyang uri, tutugon sa mga kailangan ng kanyang nasasakupan gamit ang kanyang lakas at tapang upang maipagtanggol ang kanyang pamayanan.

Idinagdag din ni Lacuna na bagamat nasa parehong posisyon at responsibilidad sila ng mga miyembro ng Lakan magkaiba man ang paraan nito ay pinili pa rin nilang tahakin ang daan ng public service o pagbibigay serbisyo sa kapwa Filipinos at sa bansa sa pangkalahatan.



“Pareho tayong may pananagutan sa publiko at inaasahan nila na tayo ay maging tapat, aktibo, maingat, masigasig, masinop at maging epektibong lingkod-bayan. Kaya’t itinuturing kong isang malaking karangalan ang mapili ninyo bilang honorary member ng LAKAN-MPD,” sabi ni Lacuna.

“Sa pamamagitan nito ay lalo pa nating palalakasin ang ating pagtutulungan bilang magkatuwang sa pagbibigay katiyakan sa kaayusan, kapayapaan at kaligtasan ng ating mga kapwa Manilenyo. Maraming Salamat sa inyong pagtitiwala na maging kaisa ninyo sa LAKAN-MPD. Hangad ko na mabigyan natin ng kabuluhan ang pagiging isang LAKAN,” ayon pa sa alkalde bilang pagtatapos ng kanyang talumpati.

Pinuri din ng alkalde si Dizon bilang public official na laging available at approachable, at ipinanawagan sa lahat ng naroroon sa pagtitipon na gayahin at tularan.

Ayon kay Dizon, ang Lakan ay binubuo ng PNPA graduates na nakatalaga sa MPD. (ANDI GARCIA)