Advertisers
NAKAPIIT na ngayon sa tanggapan ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District (QCPD) sa Kampo Karingal ang isang pulis na nakatalaga bilang Police Security Force sa Kamara nang arestuhin ng mga operatiba ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) sa kasong panggagahasa.
Inaresto habang naka-duty sa loob mismo ng compound ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pulis na sangkot sa rape.
Bitbit ng mga operatiba ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang warrant of arrest laban kay Patrolman Kemberly Cyd Gela, 32, may-asawa.
Batay sa warrant of arrest na inisyu ni Marikina City RTC Presiding Judge Hon. Alice Castañeda Gutierrez na may petsang September 11, 2023, ‘no bail’ recommended ang kasi dahil sa ‘3 counts of rape’ na kanyang kinakaharap.