Advertisers

Advertisers

Vietnamese nabitin sa ‘pagdyadyakol’, 2 tanod sinaksak

0 152

Advertisers

SUGATAN ang dalawang barangay tanod nang saksakin ng isang Vietnamese na kanilang sinita dahil sa pagma-masturbate sa publiko, sa Arellano Avenue corner Zapanta St., Malate, Maynila nitong Huwebes.

Kinilala ni Corporal Samuel Cayabyab ng Manila Police District – Station 9, ang barangay tanod na sina Jerry Glory at Eizaldy Molin ng Barangay 754, Zone 81, Malate, na nagtamo ng mga minor injuries sa katawan. Bukod pa dito ang ginawa ng dayuhan na pananakal at panunutok ng screwdriver sa complainant na si Jamayca Pertiz, 24, ng Singalong St., Malate.

Tumanggi naman ang MPD-PS 9 na pangalanan ang salarin dahil ang MPD-General Assignment and Investigation Section daw ang may hurisdiksiyon sa kaso ng dayuhan.



Sa imbestigasyon, 10:30 ng umaga nang mamataan ang salarin na nakaupo sa e-bike, walang saplot at walang pakialam na nagma-masturbate sa harap ng mga tao.

Sinita ito ng mga barangay tanod pero tumakbo ito at nang malapit nang abutan ay nanghalihaw ng hawak niyang screwdriver dahilan para masugatan ang mga biktima. Naaresto nang dumating ang mga pulis mula sa Arellano PCP.