Advertisers

Advertisers

Moira inaya sa inuman si KZ sa Rome

0 109

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ANG mahusay na singer/songwriter na si Moira dela Torre ang first brand ambassador ng Maria Clara Virgin Sangria.
Ipinaliwanag ni Moira sa grand launch niya noong Thursday bilang Ambassador ng Maria Clara Virgin Sangria, kung bakit tinanggap niya na maging endorser nito, kahit isa itong alcohol brand.
Sabi niya,”I had to think about it very well because that’s an alcohol brand, and I really wanted to be careful with my endorsements.”
Pero aminado naman si Moira na kinalakihan niya na ang nasabing inumin, at maging siya ay umiinom nito. Nagustuhan din daw niya ang campaign nito nang i-present sa kanya.
Ibinahagi nga ni Moira ang isang insidente kung saan ay nag-TikTok siya habang umiinom nito.
“Naka-tatlong glass po ako. Pagkatapos ko po i-shoot ‘yun, nalasing po ako,” natatawa niyang kuwento.
Pero nilinaw naman niya na hindi siya lasengga.
At hindi naman nakalalasing ang Maria Clara Virgin Sangria dahil non-alcoholic ito.
Sa tanong kay Moira kung sino sa mga kaibigan niya ang gusto niyang makasama habang umiinom ng Maria Clara Virgin Sangria, ang sagot niya ay si KZ Tandingan.
Si KZ kasi ang isa sa mga best friends niya, at madalas niya itong roommate kapag may mga shows sila sa ibang bansa.
Ikinwento ni Moria na 4 years ago, nag-ASAP Rome sila at nagkayayaan silang uminom.
“Sabi ko kay KZ, ako bahala sa ‘yo, aalagaan kita, inom tayo. Ang ending po, siya ang nag-alaga sa akin.
“Tapos po, hinila kami nina Kuya Zanjoe (Marudo), ng KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla)i ate Dimples (Romana), ni Ms. Jodi Sta. Maria, naglakad po kami sa outskirts ng Rome after ng show. Kaladkarin lang po kami ni KZ. Tapos nakahanap po kami ng resto, umorder po kami. ‘Wala tayong dalang pera.’
“So, hindi po kami nagbayad, si Kuya Zanjoe po ang nagbayad,” natatawang sabi pa ni Moira.
Si Moira ang sumulat at kumanta ng anthem ng Maria Clara Virgin Sangria titled Maria Clara at mapapakinggan na ang song sa Spotify.
***
JULIA KINUWESTYON SI ALDEN, “BAKIT AKO?”
SA isang interview kina Julia Montes at Alden Richards, tinanong ng una ang huli kung bakit siya ang kinuha nito bilang leading lady sa Five Breakups and a Romance.
Si Alden kasi ang isa sa producers ng nasabing pelikula.
Tanong ni Julia kay Alden,”Ako, sinasabi ko rin every time na ini-interview ako na, ang tanong ko, bakit ako? So, itatanong ko sa ‘yo, bakit ako? Siyempre, at first, alam mo ito na nag-produce ka rin, risk ‘yun for you kasi hindi birong mag-produce.
“Bagong tinatahak mo ‘yun, and coming from the past works na nagawa mo, siyempre may pressure, nandoon, hindi maalis, ‘di ba? Bakit sa akin ka pa nagtaya?”
Ang sagot ni Alden, una pa lang daw ay naniwala na siyang si Julia ang perfect na aktres para sa role kahit pa hindi pa sila nagkikita at nagkakausap tungkol sa proyekto.
“Why you? I told you, gut feel, and it felt so right, e. Noong hindi ko pa nakikita si Juls, daming fears, daming questions. I only know you sa surface mo,” simulang sabi ni Alden.
Dagdag niya,”I think everything happens for a reason. Si Lord, binigyan tayo ng mga opportunities sa buhay because kailangan siyang mangyari sa buhay natin, and this was meant to happen.
“This was meant to happen. I have no regrets, not even a single regret”.